May nakilala akong superhero, mabait siya at maka-Diyos. Kahit superhero na
siya may takot pa din siya sa Diyos. Superhero siya para sa akin dahil siya ang
nagbigay ng trabaho ko ngayon, nagpalakas ng loob, nagbigay suporta, nature ng
mga hindi ko alam na bagay, nangaral at tumulong sa akin. Katrabaho ko siya at
semi boss ko siya sa pinapasukan naming kompanya. Semi-boss kasi parang siya
ang kanang kamay ng boss namin. Siya din ang nag-interview sa akin noong
nag-aapply pa ako. Pinag-apply ako ng kaibigan ko sa kumpanya na kapareho
nilang pinapasukan. Salamat din sa kaibigan ko na pinag-apply niya ako dito. Kung
hindi din dahil sa kanya hindi ko makakasalamuhawa at makakausap ang sinasabi
kong superhero. Babansagan ko na lang siyang “Avenger”. Oo Avenger kasi isa lang siya, pero pag madami
AVENGERS. Tinanggap niya daw ako sa kumpanya dahil daw naniniwala siya na kaya
ko at may galing daw ako. Humanga agad ako sa kanya dahil pinalakas niya agad
ang loob ko. At doon na ako nagsimula sa trabaho.
Nagsisimula na ako. Siya ang trainor ko. Siya ang nagtuturo
ng mga bagay na mang-mang ako. Kahit inaantok ako sa mga turo niya kung minsan
nagtyaga pa rin siya. Sadyang matalino talaga si Avenger at talentado. Hindi lang
pala sa trabaho ang alam niyang gawin pati rin pala sa mga bagay-bagay at
masasabi nating Gift of God. Hanga din ako sa pagiging positibo niya sa buhay.
Kahit alam niyang may mga ilang tao ang “insecure” sa kanya, hindi siya
nagpapaapekto at naka-ngiti pa rin siyang naglalakad sa aming tanggapan. Hindi ko pa yata siyang
nakikitang nagagalit at maghubad ng maskara para sabihing “GALIT AKO!”.
Masipag si Avenger, trabaho kung trabaho walang oras na
dapat palipasin, walang reports na dapat ma-delay. Kung minsan nga halos wala na siyang pahinga
sa kakaisip para sa trabaho. Matalino din kasi si Avenger. Sa pagkakaalala ko Cumlaude
siya sa unibersidad kung saan siya grumadweyt. Alam ko yung unibersidad na
pinagtapusan niya yung may taong nakahubad, yung nagpapakita ng bird. Doon pa
lang hahangaan mo na siya. Matatalino kasi ang mga estudyante doon sa
pinagtapusan niya. At CUMLAUDE pa siya? San ka pa. Avenger na!
Ayaw niya din may napapahamak sa mga kaibigan niya (kaibigan
niya kaya ako?). Noong unang buwan ko kasi, sa hindi inaasahang pagkakataon. Na
ospital ako at na operahan. Tinggal ang appendix
ko. Ilang buwan ako nagpahinga at tumunganga sa bahay para magpagaling. Kahit wala
ako sa opisina at nasa bahay lang, si Avenger ay nag-aalala din pala. Tinatanong niyang madalas kung
kamusta ang lagay ko at huwag ko muna daw piliting pumasok dahil baka mamatay
ako. At sa kanya ko din kaunaunahang narinig ang “All happens for a reason”. Naghanap
pa ako ng dictionary para lang malaman ko ano meaning ng sinabi niya. ALL –
lahat, Happens – nangyayari, For – para, A – sa, at Reason – dahilan. Yun pala
yun. Sa wakas na gets ko din. Salamat Avenger.
Magaling din siyang magligtas ng mga ka grupo. Meron kaming grupo noon para sa sportfest ng kompanya at kailangan naming maki-isa. Siya ang tumayaon pinuno ng grupo. Gumagawa din siya ng paraan para lahat ng aming kagrupo ay lumahok. Isang magaling na leader si Avenger at yun siguro ang nagtulak sa amin sa tagumpay para makuha naming ang tropeyo(tagay sa tagumpay).
Hindi maiiwasan na may makalaban si Avenger na galing sa outer space of Netherland. Si Okra. Ang malditang bakla na asar na asar kay Avenger. Insecure siguro kay Avenger kasi mas magaling si Avenger kaysa sa kanya. Saksi ako sa mga laban nila noon. Minsan kapag wala si Avenger tumitira ng Superhotissuenovachuchu si Okra. Nagkwekwento si Okra para siraan si Avenger at bilang tagahanga ni Avenger, ngumiti na lang ako. Kung tutuusin wala naming ginagwang masama si Avenger para sabihin ni Okra ang mga kasiraan tungkol sa kanya. Malditang bakla lang siguro talaga siya at hindi gusto niyang talunin si Avenger. Napakabait talaga ni Avenger dahil kahit kailan hindi siya nagalit kay Okra sa halip pinagdasal na lang niya ito.
Ngayon si Avenger ay hindi ko na katrabaho umalis na siya dito dahil tapos na ang misyon niya dito kailangan naman niya sigurong tulungan ang ibang nangangailangan ng tulong.

Salamat Avenger madami akong natutunan sa iyo. Ituloy mo
lang nag paglipad para Makita mo ang happiness mo. Kung kailangan mo ng tulong
magiging AVENGERS kami para sa iyo. AVENGERS ASSEMBLE! Sugod mga kapatid isigaw
ang kasiyahan ng buhay!
para sa mga nagbasa nito, kung gusto mong maging katulad ni Avenger, maging superhero ka muna sa sarili mong buhay, ayusin mo ang buhay mo bago mo ayusin ang buhay ng iba.
~~Super isip ipis (janz)~~
~~Super isip ipis (janz)~~
All glory and honor be to our God!
TumugonBurahinIto ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
TumugonBurahinmayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.