Wala akong ma Blog. Kaya naisip ko na gumawa na lang ng
kahit anong pwede kong ilathala. Hindi ko na naman mahabol ang utak ko. Ang hirap
mag-isip lalo na kung yung utak mo wala sa ulo mo. Ang daming gumugulo sa isip
ko ngayon at ewan ko kung bakit. Nagproprotresta ata ang ang gusto kong
mangyari at ang dapat na mangyari. Destiny nga ba ang mga dapat mangyari? Pwede
bang baguhin ito?
Magulo ang usapang destiny (hindi cable ito reminder lang). pwede bang baguhin ang nakatakda at kung may nakatakda nga ba? Alam nyo ba ang final destination na pelikula ng mga amerikano? Sa kwento, yung bidang lalaki, alam niya kung anong mga mangyayari sa hinaharap. Pinipilit niya itong baguhin at ilihis ng landas sa kagustuhang ayaw niyang mamatay kung sino man ang nasa pangitain nya.
Naguguluhan ako na tadhana nga ba na malaman niya ang mga nakatadhana para ibahin ang tadhana? May karapatan nga ba tayo na ibahin ang tadhana? Tayo ba ang gumagwa ng tadhana? O ang tadhana ang gumagawa ng ikatatadhana natin? Nakaprogram na ba ang mga mangyayari sa atin? Bakit ayaw paalam ng nagprogram ang mga mangyayari?
Ito para sa akin lang ah, (hindi ako lashing pre). Siguro nga totoo na may nakatakdang bagay na nakatadhana para sa atin. Pero tayo din ang gumagawa at humuhulma ng tadhang iyon. Kung ano man ang nagawa natin sa nakaraan natin at sa ngayon may malaking epekto ito sa kinabukasan. Hindi mo pwedeng baguhin ang tadhana mo basta-basta dahil malaking kasapi din sa tadhana mo ang mga tao, bagay, hayop, pangyaayri, lugar atbp. Lahat ng bagay na nagawa ay may bunga masama man o hindi. Hindi rin ako naniniwala sa mga sinasabi ng mga tao na “kung mamamatay, mamamatay”. Kung mamatay ka man, ito ay hindi tadhana. Ito ay bahagi sa mundo, ang mabuhay at sa kaduluhan ay mamatay yun nga lang may namamatay ng mabilis at may namamatay ng matagal. Ang buhay ay hiram lang natin. Binigay ito para sa kung anung meron sa mundo na dapat ay pinapalagahan. Hindi ang Panginoon ang nagbibigay ng tadhana. Nasa atin pa din ang tadhana (nasabi ko na kanina). Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa. Wala ng magagawa ang Panginoon kung yun ang gusto mong gawin.
Isang araw, may nasagasaan sa daan na motorista, patay at bali-bali ang mga buto. May mga taong nagsabi na katapusan na niya talaga. Naiisip ko na hindi siya mamamatay kung hindi siya nagmotor at kung hindi siya nagpadalos-dalos sa pagmomotor. Sa bandang huli siya din ang may kasalanan. At hindi niya tadhana ang mamatay dahil sa motor. Siya din ang gumawa ng ikatatadhana niya na mamatay sa motor dahil sa mga bagay na maling desisyon at maling pananaw. Tadhana niya siguro ang bumili ng motor at hindi mamatay dahil sa motor (gulo pa rin talaga ng Tadhana na yan).
Sa love kaya. Tadhana nga ba na ang kapartner niyo ang siya talagang makakasama habang buhay? At kung kayo, kayo? Hindi ako naniniwala sa ganyan. Nasa inyo pa din yan kung gugustuhin niyo. Kung talagang nagmamahalan kayo, malamang hindi malabong kayo na talaga. Hindi nakukuha sa mga signs ang lahat para masagot ang katanungan na siya na nga talaga. Isipin mo, humingi ka ng signs at ang signs na naisip mo e, bigyan ka niya ng mamahaling tsokolate. Kung hindi nasunod ang signs ibig sabihin ba nito na hindi siya ang taong para saiyo? Alam mong mahal na mahal ka niya at mahal mo din siya ngunit hindi nasunod ang signs. Para saan ang mga bagay na hiniling? Para patunayan na mahal ka nga talaga niya? Mali. Wrong. Palpak. Hindi nasususkat ang pagmamahal sa material na bagay. Itoy nasusukat kung talagang totoo ka sa kanya at mahalaga siya para sa iyo. Destiny nga ba kayo ng partner mo o ng taong mahal mo at akala mo mahal ka? Yung tipong lagi kayong pareho ng damit kahit na hindi sinasadya at lagi kayong nagkakabanggaan tapos pupulutin ang mga nalalaglag na gamit at magtitigan at sasabihing sorry. Lahat ng yan ay nagkakataon lang at ang iba ay sinasadya para isipin ng iba o ng gusto ay destiny nga talaga kayo. Nagkakataon lang ang mga bagay na inaakala nating nakatadhana. Lahat ay may dahilan kung bakit nangyari. Pag sinabing kung kayo, kayo talaga at sa bandang huli kayo nga talaga ibig sabihin mahal nyo mga talaga ang isat-isa. Tayo ang naghahanap ng destiny natin.
nakakatamad na talga!
sino kaya ang nakatadhanang babae para sa love life ko.?
ay oo nga pala, ako mismo ang makakasagot niyan.
hanggang dito na lang muna mga kaibigan, gagawin ko muna ang tadhana ko at kelangan ko ng tulong niyo, ang ginagawa kong tadhana ay hanapin ang babaeng nakatadhana para sa akin. Tulungan ninyo ako mag hanap ah.
salamat!
~tinadhana ni janz ang blog na ito para basahin mo~~

"sino kaya ang nakatadhanang babae para sa love life ko.?"
TumugonBurahinkaw talaga ang makakasagot nyan. choose wisely. wahahahaha