Biyernes, Mayo 4, 2012

Ginagawang laro ang pagibig


May pauso akong laro. Itoy ay laro ng mga taong mapaglaro sa pagi-ibig. Pamagat ng laro,ay
“Tayo pero hindi tayo, ang ma-in-love talo”
Game Mechanics : Magdedesisyon kayo na maging kayo at depende kung hanggang kailan nyo kayanin. May mga Call-sign kayo (tawagan ng mag-syota). Kelangan ang turing sa isat-isa ay parang BF/GF. Kailangan sweet kayo at nag-aalala sa isat-isa. Kailangan may komunikasyon kayo. Ang sino man ang main-love at mahulog sa bitag ng pahamak na pag-ibig ay magpapatatoo sa kahit saang parte ng katawan ng pangalan ng kung sino man ang kalaro. Paano malalaman kung in-love na ang kalaro? Pag-madalas na itong nagsasabi ng “I LOVE YOU” o “MAHAL KITA”. Kapag inamin na niya sayo na mahal ka na niya (o ng kalaro). Pag-madalas na siyang nagseselos sa kung sino man. At kapag feeling niya na commited na siya sayo o commited na ikaw sa kanya.

Mahirap ang larong ito dahil hindi maiiwasan na sa sobrang lapit niyo sa isat-isa ay maaring mahulog ang loob mo sa kalaro. Maaari din na mabaliw ka kapag na-inlove ka pero hindi pa rin in-love ang kalaro mo. Maari din mag-pakamatay ka na lang dahil masyado ka ng obsess sa kalaro. Maari naman na makasira ka ng buhay ng iba tulad ng paninira mo ng buhay sa kalaro dahil ayaw mong mawala siya sayo. Maari din na maisip mo siya lagi dahil pinatatoo mo ang pangalan niya sa iyong katawan. Maari din na patayin mo ang kalaro mo. At maari din na mapatay mo ako dahil pinauso ko itong larong  ito. (wag naman sana)

Kung tutuusin medaling iwasan ang ma-in-love. Mag-pakatibay ka. Kung sweet siya, hayaan mo lang gumanti ka ng pagiging sweet din. Kung sakaling na in-love ka na. iwasan mo na at mag-panggap na abala ka sa kung saan mang bagay. Gumawa ng paraan na iwasan ang nararamdaman mo, maghanap ng ibang babae/lalaki na pwedeng pamalit at pangpigil sa nararamdaman (siguraduhiing mas higit na maganda/gwapo ang hanapin).

Hindi din maiiwasan na kayong dalawa mismo ay in-love na sa isat-isa. At mas maganda kung ganun. Walang talo at kayong dalawa mismo ang panalo, bahala na kayo kung maghahati kayo sa premyo. At ibig sabihin ako (ang nagpauso ng laro) ay naging magandang impluwensya para magkalapit kayo. (pahingi na lang ng balato).

Mahirap pag-laruan ang pagi-ibig, hindi mo napapansin ikaw na pala ang pinaglalaruan nito. Hanggat maari kung mag-lalaro nito ay siguraduhing gusto o pwede para sa iyo ang kalaro para sa bandang huli hindi ka mag-sisi na minsan mo na siyang inibig (music*Dahil sayo, nais kong mabuhay). Mas mabuting kilalanin mo ng maigi ang taong mahal mo (family background, attitude, weakness niya, nakakaturn-off sa kanya, past love-life niya etc.) para sa bandang huli kung ano man ang pag-awayan niyo maiintindihan mo dahil alam mo na kung ano siya at may Database ka na. Kung paglalaruan mo ang damdamin ng iba, paglaruan mo din ang iyo para quits. Mahirap maglaro ng damdamin ng iba dahil may masamang epekto ito kung naging masama din ang paglalarong ginawa mo. Magisip ka bago ka mag-patama sa  talim ng pana ni kupido. Kung talagang mahal mo, handa ka dapat tiisin ang talim ng pana na iyon. Ginusto mo yan panindigan mo.


Moral Lesson :  Don’t judge the book by its cover (wala na kayong magagawa ito na naisip ko
)



Nagmamahal,
isip ipis, Janz


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento