Miyerkules, Oktubre 3, 2012

Bad but Good, Huge but Sexy!

Isang tropa ang gumawa nito at ilalagay ko lang dito, i want to share HER short story. This is so Touchable. Read Please. Silent Please. Relate Please! Bitch Please!


Ito ang nangyari sabi ni Eugenia (eugene sa totoong buhay)....


OCTOBER 1, 2012

nag file ako ng resignation .
tapos nagyosi ako around 4:50pm .
habang nagyoyosi ..
may dumaan na matandang lalake sa baba ng building ,
papuntang terminal sa cubao .
iika-ika kase maglakad yung matanda ..
yung totoo .. nagdalawang isip akong lapitan .
pero nung lumagpas na sya sa building , huminto tapos yumuko .
parang sakit na sakit sya sa tagiliran AT PAa nya .
taena .. lumapit na ako ..

tay ok ka lang ? tanong ko .
sabe nya .. HINDI ..
bigla nyang tinaas yung pantalon nya ,
nakita ko may benda ..

sabe nya.. makikiusap daw sya dun sa bus pauwi ng cavite .
namatay yung anak nya .. at kelangan nya ng pera .
naaksidente pa daw sya sa construction ee .

pinabasa nya sakin yung text nung isa nyang anak sa cellphone
nya . na 3310 . (detailed ee nuh)

sabe kelangan daw ng 7000 para mailibing na .
kawawa yung itchura ng matanda ..

ee sakto . may 100 pesos pa ako sa bulsa .
binigay ko na . para makasakay man lang sya kahit na papuntang
terminal lang .

tapos tinignan ko lang sya paalis .
iika ika pden .

naalala ko lang kasi nung mga panahong kelangan ko din
ng tulong .. may mga lumalapet para mag offer ng
kahit papanong makakatulong .

Friends yun ,, parang kayo din na makakabasa nito .
i will miss you so much friends . dred, enday, jhen, tenten,
dess, mona, mami, mel, rizza,  and many more ..


If someone close his door,
i believe that theres always someone
who will open their window.

see you again ! wala ako magawa ee .
kaya eto .. type type ng kung anu anu .


byiee .. babalik pa yata ako bukas . :)



Natanggal siya sa Work ng wala man lang abiso o warning. Aminado ako may kalokohan din tong baklang ito. Nagkasisihan, turuan, at nagkaroon ng katahimikan noong nagulat ang lahat ng nag file siya ng resignation. Madaming kaibigan itong balahurang baklang ito kaya ganun na lamang ang lungkot ng mga kaibigan noong nalaman na aalis na siya. Masayahin, Palabiro, Nanghihipo, Malanding bakla, Maharot, Malupet yan ang mga pagkakilala ko sa kanya. Pero noong nabasa ko yung last letter niya. Wow! Paksiw. MArunong pa lang mag sulat ng ganito si Baks!. Sa nakita ko sa Sulat niya, mas madami pang katangian itong baklang ito. Matulungin, Maawain, Mapagmalasakit, Mabait, Mapagbigay din pala si Baks. Saludo ako sayo Baks.. hanggang sa muli paalam (goku- ending (Dragon Ball Z)




-- Wag mong pakita kung sino ka, hayaan mong sila ang makakita nito.
            ~JANZ




1 komento:

  1. Nakakalungkot nga. Minsan may mga bagay talaga na hindi natin maintindihan bakit kelangang mangyari. Pero sa mga ganung bagay tayo mas natutotong magpakatibay at wag sumuko. Tama yang perspective ni Eugena. Actually kung magsara ang door, pwedeng-pwede buksan ng Diyos ang bubong para ibuhos ang masaganang pagpapala. Kaya tuloy lang ang buhay. :)

    TumugonBurahin