may sasabihin ako sa inyo, alam mo si ano? yung ano ng ano ng kaanoano ni ano na inano ni ano? grabe si ano inano niya tapos yung nag-ano sila naging ano si ano tapos biglang inano ni ano si ano.. tsktsk! nakakaano ano? sana wag siyang maano ni ano.
Madaming
tao sa paligid ang reporter, story teller, Host ng isang show para sa mga
artista, messenger at iba pa. Mga
Tsismoso at Tsismosa yung mga tinutukoy ko. Mga taong mahilig magbukas ng libro
ng buhay ng iba at ipapabasa sa iba pang mahilig magbukas ng libro ng buhay ng
iba. Mga taong mahilig manglait at manira ng puri ng iba at pinagmamalaki pa
nila. Simple, mga pakialamero’t pakialamera. Mga taong walang pakundangan sa
pagdagdag at pagbawas sa kung anong nalalaman nila sa kung sino ang taong bida
sa kwento nila. Hindi masamang mamalita, ang masama lang eh, yung ikakalat at
magkwekwento ng mali kesa sa totoong kwento. Mga editor. Naglipana ang mga kumakalat na tao na ito
kadalasan sa mga barangay. At mas kadalasan sa mga bahay na dikit-dikit o mga
skwater. Sila-sila din ang nag-uungguyan sa lugar na ito at paikot-ikot lang
ang lahat ng kwento. May mga argabiyado at may mga nang-aargabiyado. Si ganito
si ganyan puro ganun ang usapan. May muta ka pa may balita na. bilis ano? Daig
pa yung Umagang kay ganda (halatang Ch.2 ako nanonood). Sabi nga sa kanta ng
bandang Siakol “bakit ka pa bibili ng dyaryo, o makikinig sa radyo, tumambay
ang sa bawat kanto sari-sari pa ang kwento”. Tulad nga ng sabi ko, madaming
reporter sa paligid. Mga reporter na akala
mo e, makakapagkatiwalaan pero kwento mo pala ang ibebenta sa iba para masira
ka at may mapagusapan lang sila.
Mag-ingat sa mga taong sasabihan ng mga sekreto. Hindi mo alam na may
pinagsasabihan na din pala sila. Kakampi mo pagkaharap ka, kalaban mo pag-nakatalikod
ka.
Minsan na din akong naging bida sa mga kwento ng mga tsismakers
na yan. Nalaman ko yan noong may nagtanong sa akin kung ano yung ano bakit daw
ano? (huwag niyo ng alamin, mga tsismosa). Nagtanong siya tungkol sa tsismis ng
iba. Agad naman ako nagtaka at paano niya natanong sa akin yung ganun. Tinanong
ko siya kung kanino niya nalaman yun. Agad naman niyang sinabi. Pinuntahan ko
yung nagsabi sa kanya ng kwento na yun. Tinanong ko kung paano niya alam ang
kwento ko ganung hindi ko naman siya sinabihan? Sabi niya narinig niya daw.
Putangina, ako ang bida, sabi ko sa sarili ko. Inalam ko kung anong alam nila.
Pinakinggan ko ang mga alam nilang kwento. At isa pang putangina! Swak, bida
nga ako sa tsismis nila. May nadagdag at may nabawas sa kwento. Lalo nilang
pinalala ang sitwasyon. Hindi ako nagwalang bahala. Pilit kong binabalik ang
tamang kwento pero mahirap dahil yun na ang unang kwento at tinangkilik nila.
Lumapit ako sa kaibigan. Humingi ng tulong dahil pangalan ko ang bida sa kwento
nila. Sabi sa akin ng kaibigan na tsismis lang yan, hayaan mo na lang at ikaw
at Siya lang ang nakakaalam ng lahat. Huwag daw akong paapekto sa mga sabi-sabi at baka lalo pang lumala ang
sitwasyon. Pinakinggan ko siya. Ang dating nakayuko kong ulo habang naglalakad
sa lugar namin ngayon taas noo pa. Dahil ako ang tunay na author sa kwento ko.
Nakakainis ang ganitong
sitwasyon. Masarap maging bida sa mga eksena pero hindi sa mga tsismosa. Masarap
sumikat pero hindi sa mga tsismoso. Naglipana na nga talaga ang mga ito. May
lalaki, babae, bakla, tomboy at mag-ingat ka dahil baka ang aso ng kapitbahay
niyo ay alam ang kwento mo at ikwento din sa iba pang mga hayop. Sari-sari na
ang lahi ng tsismoso at tsismosa sa buong mundo. Sigurado ako na hindi lang sa
Pilipinas may ganitong sitwasyon. Maging sa Estados Unidos may mga ganitong kaganapan
din. May kakilala ako na nakatira sa Estados Unidos. Nakwento niya na may
nakaaway daw siya at siyempre tsismoso ako tinanong ko kung bakit siya
napaaway. Isang paninirang puri daw ang dahilan ng lahat. May kapitbahay siya
sa tinitirhan na apartment at matalik naman silang magkaibigan. Dalawang taon
na silang mag-kapitbahay. Namamasukan ang kaibigan ko sa isang opisina sa
Amerika at walang asawa. Kasama niya sa trabaho ang tita niya na matagal ng
nasa Amerika. Noong bago pa lamang siya doon, sa tita niya pa siya nakikitira.
Pero nang makaipon, bumukod na siya ng tirahan. Siya lang mag-isa sa tinitirhan
niya. Kung minsan dinadala niya ang mga kaibigan niya doon sa apartment niya
para sa isang kasiyahan. Nasabi ko nga na kaibigan niya din ang kapitbahay niya
na halos pinto lang ang pagitan ng bahay nila. Madalas silang magkwentuhan at
magbigayan ng opinion sa isat-isa. May asawa ang kapitbahay niya na nasa Afganistan.
Wala pa silang nagiging anak. Makalipas ang ilang mga araw at panahon, may
nanligaw na sa kaibigan ko, isang amerikanong puti. Madalas bumisita ang lalaki
sa bahay ng kaibigan ko para manligaw.makalipas ang ilang araw na panliligaw,
sinagot na ng kaibigan ko ang kano. Naging maganda ang simula nila. Halos hindi
na sila mapaghiwalay dahil talagang in-love sila sa isat-isa. Nasabi sa akin ng
kaibigan ko na mahal na mahal niya ang BF niya at gusto niya na siya ang
mapang-asawa nito. Makalipas ang ilang buwan. Pumunta ang BF niya sa apartment.
Mukhang napaaga siya ng punta dahil wala pa siya. Nakipagkwentuhan sa kano ang
kapitbahay ng kaibigan ko. naging mahaba ang usapan nila. At sa usapan na iyon
ay may paninira na nagaganap. Lihim na may gusto ang kapitbahay ng kaibigan ko
sa BF niya kahit na siya ay may asawa. Dahil nga may gusto ang kapitbahay niya
sa BF niya. Nagawa nitong siraan siya at magdagdag bawas sa kwento. Walang
kamalay-malay ang kaibigan ko na sagad na sa paninira sa kanya ang binabanggit ng
kapitbahay niya. Pagkauwi sa bahay ng kaibigan ko, laking tuwa nito na
sinupresa siya ng BF niya. Niyakapa niya ito. Nagtataka siya kung bakit hindi
siya kumikibo ng BF niya. Nagtanong ang BF niya sa kanya na “Why?” sabay ng
luha na tumutulo sa pisngi niya. Mabilis na umalis ang BF niya. Hinabol niya
ito subalit hindi niya ito naabutan. Tinatawagan niya ang cellphone ng BF niya
ngunit nakapatay ito. Nagtataka siya kung bakit ganun na lamang ang reaksyon ng
BF niya gayung wala naman silang pinagawayan at wala naman siyang nagawang
mali. Napagpasyahan niya na hanapin ang BF gamit ang sasakyan niya. Naisip niyang pumunta sa bahay ng BF ngunit
wala ito. Pumunta siya kung saan naglalagi ang BF. Sa Park, opisina, at kung
saan saan pa. Isang text ang nareceive niya, hindi nakarehistro ang pangalan sa
cellphone niya. Ang nakalagay sa text “why you lied to me?, I do everything to
you , but you lied, LIAR!” galit na galit sa text. Agad niya naisip na BF niya
ito. Agad niyang tinawagan habang nagmamaneho pero mukhang pinatay na naman ang
cellphone. Umiyak na siya dahil para siyang nangangapa sa wala. Wala siya ediya
sa mga nangyayari. Napadaan siya sa isang lugar sa New York. Nakita niya na may
naguumpukan na tao at napapaligiran ng pulis. Nakita niya na may nakahiga sa
lapag. Durog ang buto, basag ang mukha at may hawak na cellphone. Pinagmasdan
niya ang lalaking nakasalampak sa sahig. Nakita niya na may suot na kwintas ang
lalaki. At nang napagmasdan ang kwintas, nakilala na niya kung sino ang
lalaking nakasalampak sa sahig. Ang taong mahal niya. Napaiyak siya ng malakas
na halos mabaliw sa mga nangyari. Sa bilis ng mga pangyayari hindi niya pa rin
alam ang dahilan ng lahat. Nababaliw na siya sa kakaisip kung bakit nangyari
ito at bakit galit ang BF niya sa kanya. Makalipas ang ilang araw.Sa libing ng
BF niya, isang kamag-anak ng BF ang lumapit sa kanya at nag-abot ng panyo.
Nagtaka ang kaibigan ko kung bakit inabot ito ng isang bata. Malinis ang panyo
at may burda na “i love you forever” sa bandang baba. May nakasulat sa gitna na
parang bahid ng dugo. Nakasulat dito na mamahal na mahal niya ang kaibigan ko
at gagawin niya ito (ang pagpapakamatay) dahil may nagsabi daw sa kanya na isa
siyang taksil. Hindi makapaniwala ang kaibigan ko. Wala siyang ginagwang mali at mahal na mahal niya din ang
BF niya. Alam na niya ang dahilan ng pagpapakamatay ng BF pero hndi niya pa rin
alam kung sinong tsismosa ang nagsabi sa BF niya na wala naming katotohanan.
Tumagal ang panahon na. Nawalan kami ng komunikasyon ng kaibigan ko. At nang
hinanap ko siya sa mga kamaganak niya.naikwento nga sa akin na wala na siya. Halos
mabaliw na daw ang kaibigan ko noong panahon na iyon. Hindi na siya makausap ng
maayos. At ang lagi niyang sinasabi, “im not a liar” na paulit-ulit niyang
binabanggit. Ilang araw pa daw ang
nakalipas, nakita daw ng mga tao kaibigan ko na tumakbo palabas sa tinitirhang
apartment ng walang saplot. Agad naman siyang ihinanap ng mga kaibigan niya sa
Amerika. Nang makita siya sa ialim ng tulay ay natutulog ito. Inuwi siya sa bahay.
Makalipas ang ilang araw walang nakakaalam na nagbigti ito. Ilang araw pa ang
lumipas bago nalaman ng mga tao na nagbigiti ito. Pati kapitbahay nito ay hindi
din alam ang mga sumunod na nangyari. Pumunta ang kaibigan nito sa apartment
niya. Katok siya ng katok. Walang sumasagot. Ilang oras ang lumipas, pinuwersa
na niya ang pag-pasok. Sinira na niya ang pinto. At laking gulat nito sa
nakita. Magulo ang mga gamit at nakita na niya na nakabitin ang kaibigan ng
walang suot na damit. May hawak itong sulat na “liar go to hell”. May mga sulat
din daw sa pader at ang mga nakasulat “Love is a sin” at “who’s Liar? If I got
you, I’ll kill you”. Umiyak ang kaibigan niya sa Amerika. Nakiisyoso din ang
kapitbahay niya na may kasalanan sa lahat. Nakita ngkapitbahay niya ang
nakasulat. Umiyak ito at nakonsensiya. Kinausap niya ang kaibigan ng kaibigan
ko. kinuwento ang mga nangyari. Nang malaman ng kaibigan ng kaibigan ko ang
nangyari, sinapak niya ito at nagbanta na papatayin niya ito. Nabanggit niya
yun dahil sa sobrang galit.
Naiilibing na kaibigan ko. namatay siya ng walang kasalanan sa pagkamatay ng BF niya. Namatay niya ng hindi alam ang katotoohanan.
Nakakamatay ang Tsismis at
paninira sa kapwa. Madami kang masisirang buhay, pangarap, at pagkatao kapag
nanira ka ng tao. Iwasan ang pagiging tsismoso at tsismosa kung ayaw mong
mabuhay para sa wala. Maging mabuti sa kapwa. Wag maging author ng libro ng
iba.
__janz___
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento