Martes, Setyembre 4, 2012

bakamadapaka



Ingat sa lahat ng oras !

Huwag kang magmadali kung ayaw mong magkamali, isang kasabihan ang nabuo sa paguusap naming ng manager ko sa trabaho. Nasambit niya iyon noong minsan akong nagkamali sa aking ginagawa. Pinagsabihan niya ako at pinangaralan. Sinabi niya sa akin na hindi sa lahat ng oras ay kelangan magmadali. Kung minsan kelangan mo ding bumagal para masigurado at maiwasan mo ang pagkakamali. Slowly but surely sabi niya. Tama nga naman siya hindi sa lahat ng bagay eh kelangan mong magmadali at kelangan mong makipagunahan. Parang sa pagddrive ng sasakyan. Habang bumibilis ang takbo nito, malaki ang tyansa na mabangga at sa bilis ay mas malaki ang wasak pagnagkataon. Makakadating ka din naman sa iyong paroroonan kahit gaano ka pa kabagal. Ang mahalaga eh, wala kang pagkakamali o ligtas ka. Mabilis lang ang buhay pero bakit maraming tao ang nagmamadali sa likod ng bilis na ito. Ihalimbawa na lang natin ito sa mga kabataan ngayon. Wala pa sa hustong gulang nagaasawa na. Nagmamadali na matali agad sa isat-isa. Mapusok na talaga ang kabataan ngayon at hindi na inisip ang kinahihinatnan nila sa kinabukasan. Masyadong padalos-dalos na akala nila ay walang naghihintay na mga pagsubok. Akala nila ang pagaasawa ay madali lang. Payo nga ng mga nakatatanda, madaming tao sa mundo, huwag kang magmadaling mag-asawa, hindi ka mauubusan ng lalaki/babae. Nabanggit ko yung bilis ng buhay, oo mabilis lang. mabilis lang tumakbo ang panahon. Pero makikipagsabayan ka ba sa bilis na iyon? Hindi dapat. Ang dapat sa bilis na iyon ay magimpak ka ng ikauunlad ng buhay mo. Gawin mong makabuluhan ito at paunlarin ang sarili hindi lang sa ngalan ng pera kundi sa pagkatao. Masarap tumanda ng nakikita mo ang pinaghirapan mo ng may kabuluhan (kahit hindi ko pa ito nararanasan). Ang pagmamadali sa buhay ay parang pagmamadali mong mamatay. Ang pagmamadali sa buhay ay may mabigat na kinahihinatnan sa kinabukasan. Pagiingat ang madaling salita at ang hindi pagmamadali ay isang pagiingat. Natatandaan ko nung bata pa ako, sabi ng magulang ko noon, Huwag kang tumakbo baka madapa ka. Tama pero kung maglalakad ka lang hindi ka madadapa kung hindi sinasadya o katangahan na lang. ang tumakbo kasi ng matuli kung matinik ay malalim. Sabi naman ng kaibigan ko. Walang masama kung hindi magmamadali. Walang masama kung magiingat. Walang masama kung mabagal. Ang importante mas konti ang pagkakamali. Sa pagibig yata ganun din? Oo ganun din. Nagmamadali kang magka BF/GF pero sigurado ka bas a magiging GF/BF mo pagnagkataon? Sa pagmamadali mo ba, makikilala mo ba siya ng lubusan ng ganung kabilis? Madaming lihim ang tao at hindi nakikita iyon ng ganung kabilis. Kelangan ng panahon para makilala mo talaga ito. (ganun din pala pati sa love). Isa pa sa mga nagagawa ng pagmamadali ay ang mataranta ka. At ang pagkataranta nun ay ang sanhi kung bakit ka nagkakamali. Magfocus sa kung anong ginagawa. Gawin mong mabilis kung talgang bihasa na.

May kwento ako sa pagmamadali. May isang lalaki na nagmomotor at late na sa trabaho. Siyempre late na kaya nagmamadali. Paspasan ang takbo. Sagad na ang makina. Singit dito singit doon. Makalampas lang sag galit na trapiko. Halos lumipad na ang motor niya sa bilis ng pagpapatakbo. Pero sa kasamaang palad, sa kabila ng pagmamadali, napadali din ang buhay niya. Isang bus ang nakabundol sa kanya. Beating the red light ang kaso. Pinatakbo niya ang motor ng matulin para makalampas sa pulang ilaw na senyales ng pagkamatay niya. Sa pagmamadali hindi na niya naisip ang sarili, pamilya at ang mga nagmamahal sa kanya. Pinilit niyang umabot sa grace period pero kinapos siya. Kinapos siya ng hininga kasi nabundol siya. Minadali niya ang buhay niya para sa kapirasong pera na ibabawas sa kanya kasi late siya na akala niya eh, ikauunlad niya. Kabaligtaran ang nangyari sa kanya. Nagpasundo agad siya kay kamatayan at naiwan ang pamilya niya. Ang mali niya? Nagmadali siya at hindi naghinay-hinay. Hindi niya inisip ang buhay. Sayang ang buhay kung mamadaliin ito.


Masarap mabuhay. Huwag magmadali, baka magkamali.


i-enjoy lang ng hindi nagmamadali . walang masama sa mabagal.



di bali ng mabagal wag lang maging sagabal.




j+_(n+z) = ?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento