Ika-walo ng oktubre taong
dalawang libo at labing dalawa. Kakabentedos ko lang noong kamakailan lang at isa sa mga hiling ko ay ayoko maulila at
ayokong mag-isa. Isa sa pinaka ayaw kong mangyari sa buhay ko. Ayokong mawala
ang magulang ko sa ngayon dahil aminado ako na hindi ko pa kaya mag isa at
hindi ko alam kung paano mabuhay ng hindi dumedepende sa kahit na sino kundi
sayo lang at sa sarili mo lang. Mas gusto ko pang ako mauna sa kanila dahil alam kong hindi ko kaya. Naisipan ko isulat ito para ipaalam sa inyo na hindi sa
lahat ng oras nariyan ang ermat at erpat. Naisipan ng utak ipis ko paano kung
nawala sila? Paano ako? At paano na? Pagkatapos ng masaya, maingay at
nakakabulabog na araw na dalawamput dalawa na ako sa mundong malapit ng magunaw
ay may nakakakaba, nakakatakot at
nakakaiyak na pangyayari ang dumating sa buhay ko at ng pamilya ko. Oktubre dalawa
ng biglang manghina at manamlay si ermat. Ako at si erpat ay na alerto sa
biglaan niyang paghihina. Noong una ay akala naming ay pagod lang sa paglalaba
dahil kakatapos lang nito maglaba. Kinabukasan nagpacheck-up na siya sa doctor
at buti na lang may natira pa akong malas na pera sa pitaka ko at iyon ang
ginamit naming pampagamot. Natuklasan ng doctor na may Ulcer daw siya sa Tiyan
at kelangan gamutin sa loob ng dalawang Linggo. Pero makaraan ang ilang araw
(siguro 3days), naglaba si ermat at bigla na naman nanghina. Pinagalitan naming
si ermat kasi naglaba siya pero hindi pa siya lubusang magaling. Iniinda ni
ermat ang likod niya, tiyan at ang pagkahilo na nagreresulta ng pagsusuka at
panghihina niya. Kinabukasan, bandang
alas diyes ng umaga, sinugod na siya sa ospital at doon ay nalunasan at
sinuri ang dahilan ng mga iniinda niya. Labing dalawang oras siya sa Emergency
room sa Resuscitation area habang hinihintay ang resulta ng Pathologist para sa
resulta ng pag examine sa kanya. Habang naghihintay kami doon madaming kwento
ang ngyari pero pagkinuwento ko malamang ibang topic na yun. Umuwi muna ako
para magluto sa bahay at si erpat ang naiwang bantay kay ermat. Pagkauwi ko,
naisip ko na hindi ko kayang wala si ermat at erpat. Lungkot, matamlay at
walang ganang mabuhay kapag nawala sila. Mag-isang anak lang ako at wala akong
maasahan kundi si ermat at erpat lang kaya ganun na lang ang takot ko na mawala
sila ng hindi pa ako handa. Mahal ko magulang ko syempre. Kung wala sila wala
rin ito, at wala ako. Aaminin ko sa inyo, pasaway akong anak at palasagot sa
magulang dahil makatwiran ako at mapride. Kung minsan (minsan nga ba) madalas
kong nakakaaway si ermat sa mga bagay-bagay pero naisip ko yun lang ba ang
talgang nakikita ko? Naisip ko na kahit may topak si ermat alam ko mahal niya
ako dahil anak niya ako. At kahit alam kong may kasalanan siya sa akin noon at
naging malaking impact ito sa buhay ko alam ko nagsisi na siya at matagal ko na
siyang napatawad. May kasalanan man siya, siguro mas malaki ang kasalanan ko at
mas madami pa. Naisip ko, kelangan pa bang magsisi pagtapos na? kaya ngayon pa
lang kelangan na magsisi. Inisip ko din yung sakripisyo niya noong
pinagbubuntis pa lang niya ako. Mga pagpupuyat tuwing kelangan ko dumede. paghuhugas
ng pwet kapag tumae. Pagaaruga kapag may sakit. Pagtiyatiyaga para turuan ka
magbasa at sumulat. Paghatid at sundo sa eskwela. Pagpunta sa school dahil na
guidance. Pagpapakapal ng mukha upang umutang ng baon at tuition fee. Paglalaba. Paggising ng
umaga para ipagluto ka ng almusal. Pagplaplantsa ng gusot-gusot mong damit. Ilan
lang ito sa mga gawaain ni ermat para sa akin. Naisip ko kailangan pa bang
isipin ang mga kamalian niya ganun mas madami pla ang ginawa niyang tama para
sa atin? Kailan pa ba tayo magpapasalamat? Kailan pa ba tayo magsisi? Kailan pa
natin papakita sa kanila na mahalaga sila para sa atin? Kailan pa ba natin
susuklian ang mga nagawa nila para sa atin? Pag tuwid na ang pagkakahiga nila? Huwag
naman sana! Simpleng bagay lang naman ang hinihingi ng mga ermat natin ito ay
ang pakita mo na mahalaga ang nanay para sa iyo. Gawin mo kung ano mas
nakakabuti bilang magnanay niyo. Sa simpleng “sorry” o “ingat nay” o “I love
you ma”, Masaya na sila. Kung hindi kayang sabihin, pakita mo. Sa simpleng “regalo”
o sa simpleng “pagbibigay ng kinitang pera” o “pagtulong sa kanya sa gawaing
bahay” o “pagaaruga sa kanya” Masaya na sila sa ganun. Mahalin natin ang ermat
natin at huwag ikahiya dahil kung wala siya, wala ka.
MARAMING SALAMAT SA KWENTO MAMA! MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT MADALAS TAYONG HINDI MAGKASUDO AT NAGBABANGAYAN. IKAW ANG NANAY KO NA NAG-ALAGA SA AKIN NOON AT DAPAT AKO ANG ANAK MO NA MAGAALAGA SAYO NGAYON. I LOVE YOU MA! SALAMAT KUNDI DAHIL SAYO WALA AKO DITO AT HINDI KO MAGAGAWA ITONG KWENTONG ITO. SALAMAT AT I LOVE YOU ERMAT! MAHALAGA KA SA AKIN!
--janz2012
MARAMING SALAMAT SA KWENTO MAMA! MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT MADALAS TAYONG HINDI MAGKASUDO AT NAGBABANGAYAN. IKAW ANG NANAY KO NA NAG-ALAGA SA AKIN NOON AT DAPAT AKO ANG ANAK MO NA MAGAALAGA SAYO NGAYON. I LOVE YOU MA! SALAMAT KUNDI DAHIL SAYO WALA AKO DITO AT HINDI KO MAGAGAWA ITONG KWENTONG ITO. SALAMAT AT I LOVE YOU ERMAT! MAHALAGA KA SA AKIN!
--janz2012
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento