Biyernes, Oktubre 19, 2012

matalino ka bobo ka lang!


Kung matalino ka, huwag mong ipagyabang ibahagi ito.


Madaming tao ang matalino nga, mayabang naman. Ginagmit nila ang talino para mangmaliit ng iba o ipahiya ang iba. Oo nga matalino ka pero hindi ibig sabihin na kaya mo na ang lahat at hindi mo na kauri ang taong katabi mo. Tao ka rin tanga!. Nakakalimutan na ata ng mga matatalinong mayayabang na pare-pareho tayong tao
 pero magkakaiba ng talino. Madaming klase ng talino kaya naniniwala ako na walang taong bobo. Lahat may kakayanan at lahat ay may utak. Siguro nga eh may mas matalino sayo pero hindi ibig sabihin noon ay bobo ka na.

Napansin ko lang sa mga matatalinong mayayabang ay kaya sila nagmumukhang mayabang dahil madami silang nalalaman. Ang hindi ko lang maintindihan ay yung ibang matatalino ay ubod ng yabang at puro utak at hindi na ata nila alam gamitin ang puso. Mga tsong tamaan man kayo dito wala akong pakialam. Isipin niyong mabuti. Matalino ka nga pero saan mo ginagamit ang talino mo? Matalino ka nga binabahagi mo ba ito? Tsong ibahagi mo wag kang madamot. Pinahiram lang yan sa iyo (kung naniniwala ka sa Kanya).
 Sa dami ng matatalino sa mundo, ayaw na nilang maniwala na may Diyos. Diyos ko po tulungan niyo sila. Hindi sa hinihikayat ko kayo na manalig din tulad ko pero bakit kelangan niyo pang manira ng relihiyon o mang-insulto ng kapwa at minsan napupunta sa kelangan niyo pang manakit.  Ginagwa niyo ba ito para patunayan na matalino nga kayo? Oo na kayo na matalino mga bobo.

Tulad nga ng nabanggit ko madaming klase ng talino. Basahin niyo ito. Na search ko sa internet kasi alam ko hindi ako matalino.

Ang Siyam na Uri ng Talino
ni:Dr. Howard Gardner
1. Verbal-Linguistic Intelligence -- well-developed verbal skills and sensitivity to the sounds, meanings and rhythms of words.
2. Mathematical-Logical Intelligence -- ability to think conceptually and abstractly, and capacity to discern logical or numerical patterns.
3. Musical Intelligence -- ability to produce and appreciate rhythm, pitch and timber.
4. Visual-Spatial Intelligence -- capacity to think in images and pictures, to visualize accurately and abstractly.
5. Bodily-Kinesthetic Intelligence -- ability to control one's body movements and to handle objects skillfully.
6. Interpersonal Intelligence -- capacity to detect and respond appropriately to the moods, motivations and desires of others.
7. Intrapersonal Intelligence -- capacity to be self-aware and in tune with inner feelings, values, beliefs and thinking processes.
8. Naturalist Intelligence -- ability to recognize and categorize plants, animals and other objects in nature.
9.Existential Intelligence -- sensitivity and capacity to tackle deep questions about human existence, such as the meaning of life, why do we die, and how did we get here.

Piliin mo kung ano ka dyan sa siyam na yan. Sabi nila paglahat daw ay nasa iyo Genius ka na (OMG genius ako? Joke lang).
 

Maiba tayo ng usapan. Punta tayo sa taong nagtatalinuhan. May nabasa ako sa website ng tumblr.com, sabi doon ng isang hindi ko kilala kung sino, “minsan nakakabobo ang magtanong sa taong nagtatali-talinuhan. wag ganun. Bad”. Natawa ako noong nabasa ko yun dahil mukhang ako yung tinutukoy niya. Pero dahil hindi ko siya kilala naisip ko hindi pala ako yun. (wait may nag-skype, officemate ko. sino daw magpapabili ng cokefloat. Sabi ko ako, hindi. Ayoko na gumastos wala na akong pera. Kelangan ko muna magtipid.)balik usapan tayo. Nakakangongo nga naman ang taong nagtatalinuhan pero hindi naman. Yung tipong ang dami niyang sinasabi puro mali naman. Mas mabuti pang tumahimik ka na lang kung hindi ka sigurado kung tama yung sinasabi mo kung ano man yun.


Matalino ba ako? Yan ang lag kong tanong sa sarili ko. Sabi ng iba oo at ang iba sakto lang. Walang sumasagot ng negatibo (tatalino nila, kasi pagsinabi nila yun alam nila masakit sa akin yun). Ang sukatan ba ng pagiging matalino ay medal? Laging numero uno sa klase? Para sa akin hindi. Ang pagiging matalino ay yung taong madaming alam at mataas ang pursyento ng common-sense. (sa akin lang po ah) hindi purkit may award o magnacumlaude ka na e, sadyang matalino ka na. Tandaan natin na bawat isa may kakayanan at baka yung mga alam ng iba ay hindi mo kayang gawin.


Sige na nga magyayabang na nga ako. Oo may talino ako pero ibinabahagi ko naman ito. Mamahagi tayo ng talino. Huwag nating sarilinin ang biyaya sa atin. Sabi nga nila na ang talino ay parang underware, importanteng meron ka pero hindi na kailangan ipagmayabang.
  Walang taong bobo , walang taong perpekto. Lahat ng tao nagkakamali din kahit na ang pinaka matalino sa mundo


Matalino ka! Kaya huwag mong piliin maging bobo!


-jAnz

Sabado, Oktubre 13, 2012

Tsismisssss...


may sasabihin ako sa inyo, alam mo si ano? yung ano ng ano ng kaanoano ni ano na inano ni ano? grabe si ano inano niya tapos yung nag-ano sila naging ano si ano tapos biglang inano ni ano si ano.. tsktsk! nakakaano ano? sana wag siyang maano ni ano.



                Madaming tao sa paligid ang reporter, story teller, Host ng isang show para sa mga artista, messenger  at iba pa. Mga Tsismoso at Tsismosa yung mga tinutukoy ko. Mga taong mahilig magbukas ng libro ng buhay ng iba at ipapabasa sa iba pang mahilig magbukas ng libro ng buhay ng iba. Mga taong mahilig manglait at manira ng puri ng iba at pinagmamalaki pa nila. Simple, mga pakialamero’t pakialamera. Mga taong walang pakundangan sa pagdagdag at pagbawas sa kung anong nalalaman nila sa kung sino ang taong bida sa kwento nila. Hindi masamang mamalita, ang masama lang eh, yung ikakalat at magkwekwento ng mali kesa sa totoong kwento. Mga editor.  Naglipana ang mga kumakalat na tao na ito kadalasan sa mga barangay. At mas kadalasan sa mga bahay na dikit-dikit o mga skwater. Sila-sila din ang nag-uungguyan sa lugar na ito at paikot-ikot lang ang lahat ng kwento. May mga argabiyado at may mga nang-aargabiyado. Si ganito si ganyan puro ganun ang usapan. May muta ka pa may balita na. bilis ano? Daig pa yung Umagang kay ganda (halatang Ch.2 ako nanonood). Sabi nga sa kanta ng bandang Siakol “bakit ka pa bibili ng dyaryo, o makikinig sa radyo, tumambay ang sa bawat kanto sari-sari pa ang kwento”. Tulad nga ng sabi ko, madaming reporter sa paligid. Mga reporter  na akala mo e, makakapagkatiwalaan pero kwento mo pala ang ibebenta sa iba para masira ka at may mapagusapan lang  sila. Mag-ingat sa mga taong sasabihan ng mga sekreto. Hindi mo alam na may pinagsasabihan na din pala sila. Kakampi mo pagkaharap ka, kalaban mo pag-nakatalikod ka.

                Minsan na din akong  naging bida sa mga kwento ng mga tsismakers na yan. Nalaman ko yan noong may nagtanong sa akin kung ano yung ano bakit daw ano? (huwag niyo ng alamin, mga tsismosa). Nagtanong siya tungkol sa tsismis ng iba. Agad naman ako nagtaka at paano niya natanong sa akin yung ganun. Tinanong ko siya kung kanino niya nalaman yun. Agad naman niyang sinabi. Pinuntahan ko yung nagsabi sa kanya ng kwento na yun. Tinanong ko kung paano niya alam ang kwento ko ganung hindi ko naman siya sinabihan? Sabi niya narinig niya daw. Putangina, ako ang bida, sabi ko sa sarili ko. Inalam ko kung anong alam nila. Pinakinggan ko ang mga alam nilang kwento. At isa pang putangina! Swak, bida nga ako sa tsismis nila. May nadagdag at may nabawas sa kwento. Lalo nilang pinalala ang sitwasyon. Hindi ako nagwalang bahala. Pilit kong binabalik ang tamang kwento pero mahirap dahil yun na ang unang kwento at tinangkilik nila. Lumapit ako sa kaibigan. Humingi ng tulong dahil pangalan ko ang bida sa kwento nila. Sabi sa akin ng kaibigan na tsismis lang yan, hayaan mo na lang at ikaw at Siya lang ang nakakaalam ng lahat. Huwag daw akong paapekto  sa mga sabi-sabi at baka lalo pang lumala ang sitwasyon. Pinakinggan ko siya. Ang dating nakayuko kong ulo habang naglalakad sa lugar namin ngayon taas noo pa. Dahil ako ang tunay na author sa kwento ko.

                Nakakainis ang ganitong sitwasyon. Masarap maging bida sa mga eksena pero hindi sa mga tsismosa. Masarap sumikat pero hindi sa mga tsismoso. Naglipana na nga talaga ang mga ito. May lalaki, babae, bakla, tomboy at mag-ingat ka dahil baka ang aso ng kapitbahay niyo ay alam ang kwento mo at ikwento din sa iba pang mga hayop. Sari-sari na ang lahi ng tsismoso at tsismosa sa buong mundo. Sigurado ako na hindi lang sa Pilipinas may ganitong sitwasyon. Maging sa Estados Unidos may mga ganitong kaganapan din. May kakilala ako na nakatira sa Estados Unidos. Nakwento niya na may nakaaway daw siya at siyempre tsismoso ako tinanong ko kung bakit siya napaaway. Isang paninirang puri daw ang dahilan ng lahat. May kapitbahay siya sa tinitirhan na apartment at matalik naman silang magkaibigan. Dalawang taon na silang mag-kapitbahay. Namamasukan ang kaibigan ko sa isang opisina sa Amerika at walang asawa. Kasama niya sa trabaho ang tita niya na matagal ng nasa Amerika. Noong bago pa lamang siya doon, sa tita niya pa siya nakikitira. Pero nang makaipon, bumukod na siya ng tirahan. Siya lang mag-isa sa tinitirhan niya. Kung minsan dinadala niya ang mga kaibigan niya doon sa apartment niya para sa isang kasiyahan. Nasabi ko nga na kaibigan niya din ang kapitbahay niya na halos pinto lang ang pagitan ng bahay nila. Madalas silang magkwentuhan at magbigayan ng opinion sa isat-isa. May asawa ang kapitbahay niya na nasa Afganistan. Wala pa silang nagiging anak. Makalipas ang ilang mga araw at panahon, may nanligaw na sa kaibigan ko, isang amerikanong puti. Madalas bumisita ang lalaki sa bahay ng kaibigan ko para manligaw.makalipas ang ilang araw na panliligaw, sinagot na ng kaibigan ko ang kano. Naging maganda ang simula nila. Halos hindi na sila mapaghiwalay dahil talagang in-love sila sa isat-isa. Nasabi sa akin ng kaibigan ko na mahal na mahal niya ang BF niya at gusto niya na siya ang mapang-asawa nito. Makalipas ang ilang buwan. Pumunta ang BF niya sa apartment. Mukhang napaaga siya ng punta dahil wala pa siya. Nakipagkwentuhan sa kano ang kapitbahay ng kaibigan ko. naging mahaba ang usapan nila. At sa usapan na iyon ay may paninira na nagaganap. Lihim na may gusto ang kapitbahay ng kaibigan ko sa BF niya kahit na siya ay may asawa. Dahil nga may gusto ang kapitbahay niya sa BF niya. Nagawa nitong siraan siya at magdagdag bawas sa kwento. Walang kamalay-malay ang kaibigan ko na sagad na sa paninira sa kanya ang binabanggit ng kapitbahay niya. Pagkauwi sa bahay ng kaibigan ko, laking tuwa nito na sinupresa siya ng BF niya. Niyakapa niya ito. Nagtataka siya kung bakit hindi siya kumikibo ng BF niya. Nagtanong ang BF niya sa kanya na “Why?” sabay ng luha na tumutulo sa pisngi niya. Mabilis na umalis ang BF niya. Hinabol niya ito subalit hindi niya ito naabutan. Tinatawagan niya ang cellphone ng BF niya ngunit nakapatay ito. Nagtataka siya kung bakit ganun na lamang ang reaksyon ng BF niya gayung wala naman silang pinagawayan at wala naman siyang nagawang mali. Napagpasyahan niya na hanapin ang BF gamit ang sasakyan niya.  Naisip niyang pumunta sa bahay ng BF ngunit wala ito. Pumunta siya kung saan naglalagi ang BF. Sa Park, opisina, at kung saan saan pa. Isang text ang nareceive niya, hindi nakarehistro ang pangalan sa cellphone niya. Ang nakalagay sa text “why you lied to me?, I do everything to you , but you lied, LIAR!” galit na galit sa text. Agad niya naisip na BF niya ito. Agad niyang tinawagan habang nagmamaneho pero mukhang pinatay na naman ang cellphone. Umiyak na siya dahil para siyang nangangapa sa wala. Wala siya ediya sa mga nangyayari. Napadaan siya sa isang lugar sa New York. Nakita niya na may naguumpukan na tao at napapaligiran ng pulis. Nakita niya na may nakahiga sa lapag. Durog ang buto, basag ang mukha at may hawak na cellphone. Pinagmasdan niya ang lalaking nakasalampak sa sahig. Nakita niya na may suot na kwintas ang lalaki. At nang napagmasdan ang kwintas, nakilala na niya kung sino ang lalaking nakasalampak sa sahig. Ang taong mahal niya. Napaiyak siya ng malakas na halos mabaliw sa mga nangyari. Sa bilis ng mga pangyayari hindi niya pa rin alam ang dahilan ng lahat. Nababaliw na siya sa kakaisip kung bakit nangyari ito at bakit galit ang BF niya sa kanya. Makalipas ang ilang araw.Sa libing ng BF niya, isang kamag-anak ng BF ang lumapit sa kanya at nag-abot ng panyo. Nagtaka ang kaibigan ko kung bakit inabot ito ng isang bata. Malinis ang panyo at may burda na “i love you forever” sa bandang baba. May nakasulat sa gitna na parang bahid ng dugo. Nakasulat dito na mamahal na mahal niya ang kaibigan ko at gagawin niya ito (ang pagpapakamatay) dahil may nagsabi daw sa kanya na isa siyang taksil. Hindi makapaniwala ang kaibigan ko. Wala siyang  ginagwang mali at mahal na mahal niya din ang BF niya. Alam na niya ang dahilan ng pagpapakamatay ng BF pero hndi niya pa rin alam kung sinong tsismosa ang nagsabi sa BF niya na wala naming katotohanan. Tumagal ang panahon na. Nawalan kami ng komunikasyon ng kaibigan ko. At nang hinanap ko siya sa mga kamaganak niya.naikwento nga sa akin na wala na siya. Halos mabaliw na daw ang kaibigan ko noong panahon na iyon. Hindi na siya makausap ng maayos. At ang lagi niyang sinasabi, “im not a liar” na paulit-ulit niyang binabanggit.  Ilang araw pa daw ang nakalipas, nakita daw ng mga tao kaibigan ko na tumakbo palabas sa tinitirhang apartment ng walang saplot. Agad naman siyang ihinanap ng mga kaibigan niya sa Amerika. Nang makita siya sa ialim ng tulay ay natutulog ito. Inuwi siya sa bahay. Makalipas ang ilang araw walang nakakaalam na nagbigti ito. Ilang araw pa ang lumipas bago nalaman ng mga tao na nagbigiti ito. Pati kapitbahay nito ay hindi din alam ang mga sumunod na nangyari. Pumunta ang kaibigan nito sa apartment niya. Katok siya ng katok. Walang sumasagot. Ilang oras ang lumipas, pinuwersa na niya ang pag-pasok. Sinira na niya ang pinto. At laking gulat nito sa nakita. Magulo ang mga gamit at nakita na niya na nakabitin ang kaibigan ng walang suot na damit. May hawak itong sulat na “liar go to hell”. May mga sulat din daw sa pader at ang mga nakasulat “Love is a sin” at “who’s Liar? If I got you, I’ll kill you”. Umiyak ang kaibigan niya sa Amerika. Nakiisyoso din ang kapitbahay niya na may kasalanan sa lahat. Nakita ngkapitbahay niya ang nakasulat. Umiyak ito at nakonsensiya. Kinausap niya ang kaibigan ng kaibigan ko. kinuwento ang mga nangyari. Nang malaman ng kaibigan ng kaibigan ko ang nangyari, sinapak niya ito at nagbanta na papatayin niya ito. Nabanggit niya yun dahil sa sobrang galit.

                Naiilibing na kaibigan ko. namatay siya ng walang kasalanan sa pagkamatay ng BF niya. Namatay niya ng hindi alam ang katotoohanan.

                Nakakamatay ang Tsismis at paninira sa kapwa. Madami kang masisirang buhay, pangarap, at pagkatao kapag nanira ka ng tao. Iwasan ang pagiging tsismoso at tsismosa kung ayaw mong mabuhay para sa wala. Maging mabuti sa kapwa. Wag maging author ng libro ng iba.


__janz___

Huwebes, Oktubre 11, 2012

The more stressed you are, the more you can't funciton.


October  10, 2012. 6:15am. Sa magulong bahay ng pamilya ko.

                Kakatapos ko lang mag asikaso para sa sarili at ready na ako para sa pagpasok ko sa pinapasukan kong opisina sa Ortigas. Malas na araw ata sa akin ito. Hindi sinasadyang nasagi ko ang electricfan namin at bumagsak. At sa pangalawang pagkakataon nabasag ulit ang elesi nito na kakabili lang wala pang isang lingo. Nagpaalam na ako kay ermat at inabisuhan ko siya na sundin ang sabi ng doctor niya. Siya lang ang naiwan sa bahay dahil kailangan naming pumasok ni erpat sa trabaho para mabuhay. At hinahabilin na lang namin sa asawa ng tito ko si ermat para maging katulong ni ermat.  May sakit si ermat at kelangan operahan sa gallbladder o abdo sa tagalog. Hindi muna pina-confine ng doctor si ermat dahil kaya pa naman nito maglakad at pwedeng sa bahay muna siya. Pabalik-balik si ermat sa ospital para sa mga ilang check-up. Naninilaw na daw si ermat at kailangan agad maoperhan sa lalong madaling panahon at kung hindi lalaki ang gallstone niya at maari itong bumara sa ugat at maaring maging mas malala ang problema. Nag-aalala ako para kay ermat at kailangan ko ng pera para sa magiging opersyon niya (sa mga test at examination pa lang niya kailangan na agad ng malaking pera). Nawala ako sa sarili. Nataranta ako. Naguluhan. Naiyak. Nalungkot. Nagpanic. Ang dati kong masayahin na mood tuwing umaga natabunan ng kaba at takot. Hindi ko alam kung saan pwedeng kumuha at mangutang ng pera sa pang opera. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at kakapit. Nagdasal ako. Humiling sa Kanya. Nagmakaawa sa Kanya. Nakiusap ako sa Kanya. Nanalig ako sa Kanya. Sabi ko sa Kanya na kailangan ko ng tulong pinansyal at pabutihin ang lagay ni ermat. Humingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ni ermat at ganun din sa akin.

October  10, 2012. 6:30am. Sa Tricyle (8 pesos ang bayad)

                Nag-iisip pa din ako kung paano at saan ako kukuha ng pera (wala ulit sa sarili). Nakautang na ako sa tita kong kong negosyanteng matalinong mabait na  maperang  librarian ngunit hindi sapat ito para sa gastusin sa ospital at sa operasyon. Kailangan ko ulit dumiskarte. Unang naisip ko habang gumegwang-gewang ang tricycle na sinakyan ko, umutang sa mga kasamahan ko sa trabaho. Kahit may tubo ok lang basta ang mahalaga eh maging ok si ermat. Pera lang yan kumpara sa buhay. Ang pera napapalitan ang buhay hindi.

October  10, 2012. 6:35am sa dinadaanan ko papuntang sakayan ng jeep (siguro mga 200 to 300 steps papunta doon at hind pa kasama ang pagtakbo.)

                Isip-isip ang utak ipis. Wala pa rin ako sa wisyo. Nagiisip pa rin ng paraan. Nakaisip ulit ako. Ito ay ang tawagan si tita Ludy (ang nanay ng tropa kong si athan o taba minsan ang tawag).  (wait lang tawid lang ako sa kalsada).

October  10, 2012. 6:45am. Sa jeep Byaheng Quiapo-Fairview (7pesos lang bayad, sasabihin ko “estudyante po, MRT lang”. Mukha naman kasi akong estudyante.hehe)

                Hindi na ako makaisip ng paraan. Natutulala na ako. Naisipan kong mag-soundtrip para mawala ang konting taranta ko pero naisip ko baka biglang ma-lowbat cellphone ko. naalala ko na pupunta pala si Ermat sa ospital ngayon at kailangan ng komunikasyon para malaman ko ang lagay niya. Tinabi ko na lang ulit ang earphone. At kumanta na lang ako sa isip ng Ballad of John and Yoko ng The Beatles. Basta yun na lang muna ang paraan na naisip ko. Stop na muna ang pag-iisip. Relax muna.

October  10, 2012. 7am. Sa napakahabang pila sa MRT.
                Habang nakapila, nakaisip ulit ako ng paraan. Ito ay ang mangutang  (bagong-bago noh?). mangungutang ulit ako. Yun lang talaga naisip ko. tuloy pa rin ang kanta ng The Beatles sa utak ko.  Nakasakay na ako sa patayang MRT. Habang umaandar ang MRT at titigil sa kada istasyon, andar tigil din utak ko sa pag-iisip ng paraan. Nakaisip ulit ako. Yun ay mangutang. Ayaw na gumana ng utak ko puro utang na lang ang laman (Chris you know it ain’t easy ,you know how hard it can be , the way things are going, they’re going to crucify me… kanta ulit sa utak).Tingin sa Cellphone. Dami na pa lang nagtitext sa akin. kinakamusta si ermat. Nakaisip ulit ako ng paraan, ang ibenta ang cellphone ko. kaso naisip ko kailangan ko ng komunikasyon sa mga kaibigan (next station Santolan Anapolis Station, maari lamang po humawak sa mga safety handrails, maraming salamat po?).  2 station na lang baba na ako. Nakaisip ulit ako. Ang magresign sa pinapasukan ko. Pero naisip ko na matagal pala makuha ang back-pay. Baka pag-resign ko, wala ng trabaho wala pang nanay. May naisip ulit ako. Yun na lang muna option ko. basta kelangan maoperahan si ermat para maging ok na siya.

October  10, 2012. 7:15am sa Shaw Blvd. Station.

                lakad.lakad. akyat.akyat. kuha ticket. Pasok ticket. Hatak ticket. Pasok ticket.lakad.lakad.baba.baba. Nakakapagod ang Shaw Blvd. Station pero mas nakakapagod ang mag-isip kung paano ko papahabain ang buhay ni ermat. Mahal ko ermat ko kaya gagawa ako ng paraan. Magiging maayos siya, yan na lang muna magiging pampalakas ko ng loob. Tinatatagan ko na ang sarili ko para sa kanya. Nakasabay ko pa si Cah at si Anne sa Kalsada naghihintay din ng masasakyan. Mahirap sumakay. Punuan ang mga jeep. Kaya iniwan ko na lang sila Cah sumabit na ako. Male-late na ko! (wait sakay na pala ako ng jeep, PARA!)

October  10, 2012. 7:25am sa Jeep byaheng Tanay. Nakasabit.

                Ang trapik. Ang init. Pero ganun pa man. Tuloy pa din sa kanta ang utak ko pamparelax (kanta ulit.. Chris you know it ain’t easy, you know how ha…bayad po oh!).  mabagal ang takbo ng jeep. Buhaya sa pasahero. Kaya isip ulit ng paraan. Isip.isip. Nanginig ulit cellphone ko sa bulsa, may nagtxt. Hinayaan ko na lang muna kasi nakasabit lang ako. Isip ulit ng paraan. Nanginig ulit si Cellphone. Pababa na ako ng jeep at sa wakas makikita ko na kung sino ang nagtext. Tropa ko si Angelo Luga kung tawagin sabi niya magaambagambagan na lang daw ang tropa. Yung isang nagtext number lang. binasa ko, sabi sa text , “papunta na kami ng ospital janz”, ay si ermat ito. Hindi pala nakasave number niya sa CP ko.  buti na lang nakahiram ako sa tita ko ng konting pera para sa walang katapusang check-up ni mama. Sa wakas nandito na ako sa opisina at sa wakas late na naman ako.  
October  10, 2012. 7:49am sa pinapasukan kong opisina.
                7:49am, hindi man lang umabot sa grace period (Trabaho muna wait lang). Skype ang gamit naming way sa communication sa opisina. Nag-lagay ako sa status box ko ng “dumaan na ako sa surgery ngayon si ermat naman,get well soon ma L”. Madaming nakapansin. madaming gustong magtanong. Madaming interesado. Sinagot ko naman lahat ng katanungan nila. May naawa, may nagbalewala, may matanong at may gustong tumulong. Una kong kinausap tungkol dito ang mga ka-close ko. Ramdam ko naman ang suporta nila at gusto nilang tumulong sa akin para mapa-opera ko si ermat. Alam nila na mahirap sa akin ang ganitong pagsubok. Dahil mag-isang anak lang ako at mahirap lang ako.  (wait lang ulit trabaho muna).

October 10, 2012. 9am sa opisina ulit, kakatapos lang mag-send ng report.

                Kinausap ako ni Erwin at Nheri (mga tropa ko sa kasiyahan dito sa office). Nagbigay sila ng advice dahil alam nila na wala din silang perang maipapahiram sa akin. naiintindihan ko naman yun. Sabi ni Erwin, try ko daw lumapit kay Ms.Klaren (Associate sa office). Agad ko namang ginawa. Kinapalan ko mukha ko. Kinausap ko siya at hindi naman siya nagwalang kibo. Kinuwento ko kay Ms.Klaren tungkol kay ermat. Nabanggit niya din o naitanong kung bakit siya ang nilapitan ko at sabi niya,”Weird lang at nilapitan ko siya at wala ng hiya hiya factor”. Sabi ko, kailangan ko na po talaga kasi ng pera pang opera ni ermat. Kalian pa ba ako kikilos? kapag nakahiga na si ermat na pantay ang paa sa malambot na higaan na hugis kahon?.  Nagbigay siya ng payo at gagawa daw siya ng paraan para makalikom ng pera . Nagpasalamat ako as kanya at natuwa sa sinabi niya dahil hindi ako nabigo sa paglapit sa kanya. Nagtuloy-tuloy ang usap namin. At pinayuhan ako na maging positibo dahil kung magiging negatibo ang pag-iisip ko lalo daw ako mahihirapan mag-isip ng paraan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Segundo lang ang nakalipas ganun din ang sabi ni Cah. Pinapalakas nila ang loob ko dahil alam nila na mahirap ang sitwasyon ko. sabi naman ng grupo malapit sa upuan ko kung saan ako nagtratrabaho, maging positibo at pagsubok lang yan.

October 10, 2012. 2pm sa skype at cellphone.

Ang daming taong nagtitext at nag cha-chat sa akin kung kamusta daw ako at lagay ng ermat ko. May mga nagpayo at nagbigay ng tips para sa lagay ni ermat. Wala pa rin talaga ako sa mood. Ang tamlay ng buhay ko ngayon kumpara sa normal ko.
October 10, 2012. 4pm. Malapit ng mag-uwian

Hindi ko akalain na naglibot sa mga kaopisina si Ms.Klaren para makalikom ng pera para sa akin sa opisina. Hindi ko akalain na ganun ang mangyayari. Ang inaasahan ko, papautangin nya ako ng pera para sa operasyon at gamutan ni ermat. Pero mali pala. Nagtulong-tulong pala ang mga taga opisina kilala ko man o hindi, kaibigan ko man o hindi. Gulat na gulat ako sa mga nangyari. Pinakinggan ni Lord ang dasal ko.  Kaya pala ayaw ni dred na pauwiin ako agad para maibigay yung pera na nakolekta. Sobra ang pasasalamat ko sa kanila. Binigay na sa akin ni Des at Dred ang perang naipon at niyaya ako nila Wheng sa silid karunungan para ipagdasal ako at ang ermat ko. sinamahan ako ni Gem, Rhalp (matakaw na kalabaw), Erwin at Wheng . Dinasalan nila ako, nanampalataya sila at humingi ng tulong kay Lord. Hindi ko alam ang pakiramdam, basta halo-halong emosyon. Pasikretong naluha ako (secret lang toh ah) siguro dahil sobrang pasasalamat sa lahat ng tumulong para sa prayers, tulong pinansyal at sa supporta. 

October 10, 2012. 5pm. Biyahe pauwi at nakahinga ng maluwag sa mga taong sumuporta sa akin. SALAMAT ALL, SALAMAT LORD!

                Panahon pala ng sahod ngayon. Withdraw muna sa Bank. Sinagad ko na. Paguwi, dumaan ako sa Appliances repair shop sa Frisco (nasira nga kasi yung elesi ng electricfan di ba?) para bumili ng elesi. Nakabili naman ako. Kahit ang pangit ng kulay. May nagtext ulit sa akin, si ermat. Gusto niya daw ng Vegetable salad. Dumaan ako sa seven-eleven para bumili at nagmerienda na din. Pagkauwi ko sa bahay dala ang vegetable salad at ang elesi ng electricfan na pinagkasya ko sa bag kasi nakakahiyang dalhin. Nakita ko si ermat nakahiga at si erpat nakaupo. Hinihintay ata paguwi ko. kinuwento ko ang mga nangyari at binalita ko na nagbigay ang mga ka opisina ko ng tulong pinansyal. Paghugot ko ng sobre na pinaglagyan ng pera. Medjo magaan at nagtutunugan ang ilang barya. Pagbukas ko, OMG!! Nagulat ako. Laking tulong ito. Pati sila erpat at ermat nagulat at nagpasalamat. Kaya magpapasalamat din ako sa inyo. MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. SA SUPORTA, TIWALA, PRAYERS, AT SA TULONG PINANSYAL. GOD BLESSES YOU ALL!

Sa ngayon under observation pa si ermat at kailangan muna aralin kung bakit siya naninilaw. Ang kinakatakot ng doctor ay baka nagkakomplikasyon na ang liver niya dahil sa namamagang gallbladder.  Keep praying for my mother ayokong mawalan ng nanay. Mag-isang anak lang ako at kailangan ko siya. Salamat ng madami sa inyo. 

+Janz+




Lunes, Oktubre 8, 2012

Inay ko po!


Ika-walo ng oktubre taong  dalawang libo at labing dalawa. Kakabentedos ko lang noong kamakailan lang  at isa sa mga hiling ko ay ayoko maulila at ayokong mag-isa. Isa sa pinaka ayaw kong mangyari sa buhay ko. Ayokong mawala ang magulang ko sa ngayon dahil aminado ako na hindi ko pa kaya mag isa at hindi ko alam kung paano mabuhay ng hindi dumedepende sa kahit na sino kundi sayo lang at sa sarili mo lang. Mas gusto ko pang ako mauna sa kanila dahil alam kong hindi ko kaya. Naisipan ko  isulat ito para ipaalam sa inyo na hindi sa lahat ng oras nariyan ang ermat at erpat. Naisipan ng utak ipis ko paano kung nawala sila? Paano ako? At paano na? Pagkatapos ng masaya, maingay at nakakabulabog na araw na dalawamput dalawa na ako sa mundong malapit ng magunaw  ay may nakakakaba, nakakatakot at nakakaiyak na pangyayari ang dumating sa buhay ko at ng pamilya ko. Oktubre dalawa ng biglang manghina at manamlay si ermat. Ako at si erpat ay na alerto sa biglaan niyang paghihina. Noong una ay akala naming ay pagod lang sa paglalaba dahil kakatapos lang nito maglaba. Kinabukasan nagpacheck-up na siya sa doctor at buti na lang may natira pa akong malas na pera sa pitaka ko at iyon ang ginamit naming pampagamot. Natuklasan ng doctor na may Ulcer daw siya sa Tiyan at kelangan gamutin sa loob ng dalawang Linggo. Pero makaraan ang ilang araw (siguro 3days), naglaba si ermat at bigla na naman nanghina. Pinagalitan naming si ermat kasi naglaba siya pero hindi pa siya lubusang magaling. Iniinda ni ermat ang likod niya, tiyan at ang pagkahilo na nagreresulta ng pagsusuka at panghihina niya. Kinabukasan, bandang  alas diyes ng umaga, sinugod na siya sa ospital at doon ay nalunasan at sinuri ang dahilan ng mga iniinda niya. Labing dalawang oras siya sa Emergency room sa Resuscitation area habang hinihintay ang resulta ng Pathologist para sa resulta ng pag examine sa kanya. Habang naghihintay kami doon madaming kwento ang ngyari pero pagkinuwento ko malamang ibang topic na yun. Umuwi muna ako para magluto sa bahay at si erpat ang naiwang bantay kay ermat. Pagkauwi ko, naisip ko na hindi ko kayang wala si ermat at erpat. Lungkot, matamlay at walang ganang mabuhay kapag nawala sila. Mag-isang anak lang ako at wala akong maasahan kundi si ermat at erpat lang kaya ganun na lang ang takot ko na mawala sila ng hindi pa ako handa. Mahal ko magulang ko syempre. Kung wala sila wala rin ito, at wala ako. Aaminin ko sa inyo, pasaway akong anak at palasagot sa magulang dahil makatwiran ako at mapride. Kung minsan (minsan nga ba) madalas kong nakakaaway si ermat sa mga bagay-bagay pero naisip ko yun lang ba ang talgang nakikita ko? Naisip ko na kahit may topak si ermat alam ko mahal niya ako dahil anak niya ako. At kahit alam kong may kasalanan siya sa akin noon at naging malaking impact ito sa buhay ko alam ko nagsisi na siya at matagal ko na siyang napatawad. May kasalanan man siya, siguro mas malaki ang kasalanan ko at mas madami pa. Naisip ko, kelangan pa bang magsisi pagtapos na? kaya ngayon pa lang kelangan na magsisi. Inisip ko din yung sakripisyo niya noong pinagbubuntis pa lang niya ako. Mga pagpupuyat tuwing kelangan ko dumede. paghuhugas ng pwet kapag tumae. Pagaaruga kapag may sakit. Pagtiyatiyaga para turuan ka magbasa at sumulat. Paghatid at sundo sa eskwela. Pagpunta sa school dahil na guidance. Pagpapakapal ng mukha upang umutang  ng baon at tuition fee. Paglalaba. Paggising ng umaga para ipagluto ka ng almusal. Pagplaplantsa ng gusot-gusot mong damit. Ilan lang ito sa mga gawaain ni ermat para sa akin. Naisip ko kailangan pa bang isipin ang mga kamalian niya ganun mas madami pla ang ginawa niyang tama para sa atin? Kailan pa ba tayo magpapasalamat? Kailan pa ba tayo magsisi? Kailan pa natin papakita sa kanila na mahalaga sila para sa atin? Kailan pa ba natin susuklian ang mga nagawa nila para sa atin? Pag tuwid na ang pagkakahiga nila? Huwag naman sana! Simpleng bagay lang naman ang hinihingi ng mga ermat natin ito ay ang pakita mo na mahalaga ang nanay para sa iyo. Gawin mo kung ano mas nakakabuti bilang magnanay niyo. Sa simpleng “sorry” o “ingat nay” o “I love you ma”, Masaya na sila. Kung hindi kayang sabihin, pakita mo. Sa simpleng “regalo” o sa simpleng “pagbibigay ng kinitang pera” o “pagtulong sa kanya sa gawaing bahay” o “pagaaruga sa kanya” Masaya na sila sa ganun. Mahalin natin ang ermat natin at huwag ikahiya dahil kung wala siya, wala ka.

MARAMING SALAMAT SA KWENTO MAMA! MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT MADALAS TAYONG HINDI MAGKASUDO AT NAGBABANGAYAN. IKAW ANG NANAY KO NA NAG-ALAGA SA AKIN NOON AT DAPAT AKO ANG ANAK MO NA MAGAALAGA SAYO NGAYON. I LOVE YOU MA! SALAMAT KUNDI DAHIL SAYO WALA AKO DITO AT HINDI KO MAGAGAWA ITONG KWENTONG ITO. SALAMAT AT I LOVE YOU ERMAT! MAHALAGA KA SA AKIN!


--janz2012