Lunes, Setyembre 3, 2012

Wala ka na bang ibang paraan para gumawa ng dahilan?

Sige dahilan pa!


Wala ka ng dahilan para gumawa ng paraan
Kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan
isang malaki at malawak na kasabihan
Isang payak at maraming nilalaman
tama nga naman kung gugustuhin mo gagawa ka ng  paraan
pero kung ayaw mo malamang ang dami mong dahilan
samot sari ang sinasabi makatanggi lang
oo nga naman kung gusto mo gawin mo
kung ayaw mo edi wag mo
pero hindi lahat ng may gusto eh makakagawa ng paraan
at hindi lahat ng mga madaming dahilan eh ayaw nya lang
may dahilan kung bakit ganyan yan
may dahilan kung bakit kelangan mo gumawa ng paraan
at may dahilan kung bakit marami kang dahilan
gawing nating simple, gawin nating mabuti
wag ng paikutin ang bote para lang may masabi
madaming naniniwala sa ganyang kasabihan
at mangilanngilan lang ang hindi sumasang-ayon dyan
isa na ako dun at sa akin na lang yun.
hindi ako naniniwala na pag ayaw mo eh, may mga dahilan
Hindi ako naniniwala na gusto mo at may paraan
oo gusto ko, pero ayoko gumawa ng paraan kasi may dahilan
magulo pero sensitibo,
nakakalito pero galing sa puso
may paraan pero natatakot ka
kaya magdadahilan na lang
magdadahilan na lang para sa iba
pero pumaparaan lang
ang bawat tao ay may sariling paraan at kakayahan
at sa mga bawat na ito ay may kanya-kanya ding dahilan
oo, may paraan, pero pano ang paraan kung hindi na uubra
oo madaming dahilan, pero sa dahilan niyang yun ay kumikilos na
hindi mo masasabi ang takbo ng utak ng tao
kanya-kanya tayong pananaw kung anong interpretasyon dito
at ang balak ko sa tula kong to’
gawin niyo kung ano ang kaya niyo
huwag ikahiya ang pagkatao mo
ipag malaki kahit pangit mukha mo
gumawa ng paraan kung kinakailangan
kung madaming dahilan, panindigan
hindi mo kailangan may patunayan sa iba
ilabas mo ang  ikaw at walang iba.


Wala na akong dahilan para hindi mo basahin ito. Intindihan mo kasi may dahilan ako
ja----------------------------------------------------------------------------------------------------------nz


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento