Biyernes, Hunyo 1, 2012

Talented


Meron akong nakilala, siya daw si Eñigo Laurente III, 20 yrs old, tapos ng pag-aaral at nakatira sa Quezom City. Walang kapatid. Mahirap lang ang kanyang pamilya. Pero hindi yung yung kwento ko. Ang kwento ko ay tumatalakay kung anong meron sa pagkatao ni Eñigo at anong sekreto niya para gawin ang kamangha-manghang kakayanan. Hindi ko na lilituhin ang utak niyo. Hindi na ako magpapaligoyligoy pa. usapang talentado ang gusto kong isambit dito. Si Eñigo ay may kakayanan gumuhit, gumawa ng tula, gumawa ng kwento, sumayaw, maglaro ng pampalakasan (sport), kumanta, mag-gitara, magtambol, umarte, mag-pinta at magBlog. Simpleng tao lang siya at hindi mo aakalaing may talent pala siya. Napaka talented nga talaga niya halos lahat yata ng talent ay inangkin na niya noong nag-paagaw ng talent ang nasa itaas. Isa pang konklusyon ko kung bakit siya talentado, siguro marahil siya ang mag-isang anak lamang at lahat ng talent ng dapt na magiging kapatid niya ay inangkin niya. Isa pa sa napansin ko sa kanya, curious siya sa lahat ng bagay bagay sa mundo yung siguro ang naghimok sa kanya na gumawa ng kung ano mang-ikababaliw niya. Ang hindi niya lang masulusyunan kung saan talaga siya magtutuon ng pansin dahil sa dami ng gusto niyang gawin sa buhay. Sala sainit at sala sa lamig kung atakihin siya ng mga talent niya. Naguguluhan na din siya minsan dahil hindi alam kung anong uunahin dahil lahat ay gusto niyang gawin. Iyon siguro ang mga negatibo para sa isang talentadong tao. Malikot masyado ang utak niya, yung tipong ang daming alam at inaalam. Sadyang magulo nga din siya mag-isip. Nagagamit din naman ang mga talent niya ng ibang tao. Napapakinabangan siya para sa mga project sa school at iba pang kailangan ng talent niya. Paminsan daw ay inaabuso na ito. Hindi na siya natutuwa o nasisiyahan sa ginagawa kung minsan. Mahirap din kasing ladlaran ang talent mo baka abusuhin. Tulad ng normal na tao, may pangarap din siya, yun ay makilala gamit ang talent niya pero ang tanong niya sa sarili, saan ba dapat siya mag-focus? Nagsisi na siya minsan kung bakit gnaun siya at tila napasobra naman ang gift of God. Pero ok lang naman daw dahil napapakinabangan naman at nag eenjoy naman siya, nagpapasalamat na din siya dahil kakaiba siya at may mga talentong katulad noon. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------janz

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento