Linggo, Mayo 13, 2012

sapaSHOES!


Mahilig ako sa sapatos,Tpos!
Pero hindi pa pala tapos, may kwento pa ako
Sa pagpili ng sapatos, kailangan sakto para sa iyo ang sukat nito sa paa mo hindi maluwag hindi masikip sakto lang, kayang dalhin (porma), at ang mahalaga komportable ka sa sapatos. Pagmasyadong malaki malamang kamukha mo na yung karakter sa isang fastfood at kung masyadong maliit, magtirik ka na ng kandila dahil paghubad mo ng sapatos malamang naglalamay ka na para sa mga patay mong kuko sa paa. May sapatos na peke o imitation (yung pirated kungbaga sa CD, ginaya lang) at meron din naming original. Kung pagkukumparahin ang itsura ng peke sa orihinal halos pareho lang ang itsura at sa unang tingin aakalain mong orihinal ang peke. Syempre doon na ako sa original may maganda na matibay pa yun nga lang kailangan mo munang magtrabaho ng 15 na araw o kaya isang buwan para makabili nito. Madaming klase ng pekeng sapatos at ang kilala dito ang Class-A na tinatawag syempre next to original daw. Ok din naman gamitin depende na lang siguro sa pag-gamit mo kung ipamamalo mo sa ipis o ipangprepreno mo sa bisikletang walang preno. Malaki talaga ang pagkakaiba ng peke sa original. Sa peke mura pero huwag mong asahan na tatagal hangang sa apo mo sa tuhod pero sa original mahal pero asahan na matibay huwag lang sasadyain na sirain (malamang kahit anong tibay nun sira pa rin).
Sa pagpili ng sapatos ay maikukumpara ko sa buhay ng tao kung ano at kung sino tayo sa mundo. Pwede ko itong ikumpara sa pangarap, love at career. Unahin ko na siguro ang Pangarap, tpos Career, tpos pag tapos nun ang paborito ng tagasubaybay ni Papa Jack ang Love.

Pangarap : tulad ng sa sapatos, mayroon din tayong inaasam-asam na sapatos na talagang gustong –gusto mong mabili o makuha. Pinagiipunan natin ito para masuot ang pangarap na sapatos at maging masaya sa paglalakbay gamit ang sapatos. Tulad ng pangarap mayroon tayong nais na makamit at makuha (goal). Nagtyatyaga tayo sa kung anong meron tayo ngayon para lang dun sa pangarap. Piangiipunan natin ito ng sikap at tiyaga para sa pangarap ng sa ganun maging Masaya tayo sa paglalakbay gamit ang pangarap.

Career : sa sapatos kailangan natin pumili ng matibay, pangmatagalan at komportable tayo sa pagkilos gamit ang sapatos Sa career, kailangan natin ng matibay na trabaho o negosyo, pangmatagalan at Masaya tayo sa ginagwa sa trabaho. Kailangan natin ito para mapaunlad ang buhay. Sa sapatos kailangan ay komportable ka sa pagsuot nito dahil mapipilitan kang bumili ng bago para lang sa ikagagaan ng pakiramdam mo ganun din sa career ay komportable ka sa kung anong trabaho meron ka dahil pagnagkataon aalis ka sa kompanyang pinapasukan o di kaya mawawasak ang negosyo mo. Pumili sa matalinong paraan. Piliin mo happiness mo.

LOVE
: kanina niyo pa hinihintay? Sapatos ka ba? Kasi amoy paa ka! (BOOM!) hindi joke lang, ito na.
sa Love, parang sapatos din yan, pagsawa ka na bibili ka ng bago at papaltan ito. Pag pudpod na bibili ka ulit ng bago. Pag may usong sapatos bibilin ito. Sa Love pag-sawa na o nagamit na, papaltan na, pag may nakitang bago, papaltan na ang luma. (puro negative di ba?). Ito positive,  sa sapatos pumili ka ng bagay sayo, sakto, matibay, kayang dalhin kahit maputikan, at higit sa lahat wag kang magpapapeke parang sa love, pumili ka ng bagay sayo, sakto sa buhay mo,kaya mong ipagtanggol at hanggat maari huwag kang magpapaloko. Pumili ka ng taong kaya ka rin dalhin sa kung san mo man gusto. Ang pinaka-mahalaga Masaya ka sa sapatos na suot na kahit na butas na ang swelas nito gusto mo pa rin isuot kasi ito ang gusto mo parang sa love masaya ka kung sino man ang kapartner mo sa buhay, yung tipong kahit bungi o panget sa paningin ng iba pinagsisigawan mo na mahal mo ang taong ito.

janz : sapatos ka ba?
Babae : Bkit?
janz : kasi,tulad ng sapatos ikaw ang gusto ko at tulad din ng sapatos ikaw ang gusto kong kasama sa            paghakbang patungo sa pangarap ko.
BOOM! 


JANZisISIPipis…. :)
 



Biyernes, Mayo 4, 2012

Ginagawang laro ang pagibig


May pauso akong laro. Itoy ay laro ng mga taong mapaglaro sa pagi-ibig. Pamagat ng laro,ay
“Tayo pero hindi tayo, ang ma-in-love talo”
Game Mechanics : Magdedesisyon kayo na maging kayo at depende kung hanggang kailan nyo kayanin. May mga Call-sign kayo (tawagan ng mag-syota). Kelangan ang turing sa isat-isa ay parang BF/GF. Kailangan sweet kayo at nag-aalala sa isat-isa. Kailangan may komunikasyon kayo. Ang sino man ang main-love at mahulog sa bitag ng pahamak na pag-ibig ay magpapatatoo sa kahit saang parte ng katawan ng pangalan ng kung sino man ang kalaro. Paano malalaman kung in-love na ang kalaro? Pag-madalas na itong nagsasabi ng “I LOVE YOU” o “MAHAL KITA”. Kapag inamin na niya sayo na mahal ka na niya (o ng kalaro). Pag-madalas na siyang nagseselos sa kung sino man. At kapag feeling niya na commited na siya sayo o commited na ikaw sa kanya.

Mahirap ang larong ito dahil hindi maiiwasan na sa sobrang lapit niyo sa isat-isa ay maaring mahulog ang loob mo sa kalaro. Maaari din na mabaliw ka kapag na-inlove ka pero hindi pa rin in-love ang kalaro mo. Maari din mag-pakamatay ka na lang dahil masyado ka ng obsess sa kalaro. Maari naman na makasira ka ng buhay ng iba tulad ng paninira mo ng buhay sa kalaro dahil ayaw mong mawala siya sayo. Maari din na maisip mo siya lagi dahil pinatatoo mo ang pangalan niya sa iyong katawan. Maari din na patayin mo ang kalaro mo. At maari din na mapatay mo ako dahil pinauso ko itong larong  ito. (wag naman sana)

Kung tutuusin medaling iwasan ang ma-in-love. Mag-pakatibay ka. Kung sweet siya, hayaan mo lang gumanti ka ng pagiging sweet din. Kung sakaling na in-love ka na. iwasan mo na at mag-panggap na abala ka sa kung saan mang bagay. Gumawa ng paraan na iwasan ang nararamdaman mo, maghanap ng ibang babae/lalaki na pwedeng pamalit at pangpigil sa nararamdaman (siguraduhiing mas higit na maganda/gwapo ang hanapin).

Hindi din maiiwasan na kayong dalawa mismo ay in-love na sa isat-isa. At mas maganda kung ganun. Walang talo at kayong dalawa mismo ang panalo, bahala na kayo kung maghahati kayo sa premyo. At ibig sabihin ako (ang nagpauso ng laro) ay naging magandang impluwensya para magkalapit kayo. (pahingi na lang ng balato).

Mahirap pag-laruan ang pagi-ibig, hindi mo napapansin ikaw na pala ang pinaglalaruan nito. Hanggat maari kung mag-lalaro nito ay siguraduhing gusto o pwede para sa iyo ang kalaro para sa bandang huli hindi ka mag-sisi na minsan mo na siyang inibig (music*Dahil sayo, nais kong mabuhay). Mas mabuting kilalanin mo ng maigi ang taong mahal mo (family background, attitude, weakness niya, nakakaturn-off sa kanya, past love-life niya etc.) para sa bandang huli kung ano man ang pag-awayan niyo maiintindihan mo dahil alam mo na kung ano siya at may Database ka na. Kung paglalaruan mo ang damdamin ng iba, paglaruan mo din ang iyo para quits. Mahirap maglaro ng damdamin ng iba dahil may masamang epekto ito kung naging masama din ang paglalarong ginawa mo. Magisip ka bago ka mag-patama sa  talim ng pana ni kupido. Kung talagang mahal mo, handa ka dapat tiisin ang talim ng pana na iyon. Ginusto mo yan panindigan mo.


Moral Lesson :  Don’t judge the book by its cover (wala na kayong magagawa ito na naisip ko
)



Nagmamahal,
isip ipis, Janz