Biyernes, Agosto 31, 2012

Smile Before you open


Smile,

Napakasaya ng ganyan, positibong ngiti sa dibdib ay magaan, nakakakiliti sana laging ganyan, para ang lungkot natin ay mapawi agadagadan. Ang hirap magpasaya ng taong wala sa mood. Paano ba naman pagkausap mo at gusto mong pasayahin parang ikaw pa ang luluhod. Ngiti lang ang katapat nyan alam ko. Ngumiti ka lang sigurado mahahawa siya sayo. Pagbinato ka ng bato batuhin mo ng tinapay. Pagbinato ka ng baho hayaan mo lang siya maglaway. Kahit wala ka sa hulog para sumaya, kelangan pa rin ngumiti ka pangtanggal ng masamang aura. Kapag malungkot ka at ayaw mo pa rin sumaya, ngumiti ka para hindi ka makahawa ng iba. Malakas ang pwersa ng ngiti kahit sabihin mong pangit ka at bungi, nakakatawa ka man o hindi, malakas makahawa ang pangit mong ngiti. Walang pangit, walang gwapo sa pagngiti. Ngumiti ka lang lahat ng tao sa paligid mo mapapangiti. Ang mga taong hindi madalas ngumingiti ay mabilis kukulubot ang mukha. Dahil laging nakababa ang balat sa mukha na parang hinihigop ng lupa pababa. Epedemia ang pagkasimangot, nakakahawa ito, epidemia din ang pagngiti nakakagaan ng loob ito. Masarap sa pakiramdam na sa pagmulat ng iyong mata ay ngiti ang sasalubong sa minumuta mong mata. Magandang simula para sa sisimulan mong araw. Magandang hudyat kahit ang kanin ay tira na bahaw. Ngumiti ka kaibigan wag mo lang idaan sa kalibugan. Ngumiti ka kaibigan para mapangiti ang iba. Ngumiti ka para sa ikauunlad ng ating bansa. Masarap maging Masaya, malungkot maging malungkot. Kahit na nakuha mo na ang namumuo mong kulangot kung hindi mo alam kung paano sumaya, talo ka. Wag mong isiping wala kang ikasasaya dahil tao ka at hindi ka appendix na walang kwenta. Maging Masaya ka sa pangaaraw araw.  Wag mong isip na wala ng tao kundi ikaw. No man is an island sabi nga. Kahit kulot ka o blonde, tao ka at karapatan mong sumaya.
sikreto ng mga gwapo ngumiti ka lang ng sakto wag yung ngiting aso. Ngiti ng masayahing tao, kahit gilagid kita, kasya kahit tatlong bao. Ngiti ng malumanay, hindi labas ngipin kasi daw galit nanay. Ngiti ng napaligaya ng kapwa , kahit may sunod na sa kanya ay balewala basta nakangiti siya. Basta tol, ngiti ka lang mawawala din yang lungkot mo. Kahit sabihin nila na pango ka, tandaan mo Pinoy ka. At tayong mga Pinoy nakangiti kahit ilang bagyo ang dumalaw, kahit dumaan ang bumberong nambubulahaw, kahit na kumain ka pa ng manggang hilaw,kahit ilang lindol ang lumitaw,  kahit habulin ka ng galit na kalabaw, kahit na saan ka man umabot at pagkamalan kang singaw, kahit na tulo ang iyong laway. Likas sa atin ang masayahin at palangiti. Manghawa tayo ng mabuting epidemiang ito para lahat ng lungkot sa mundo ay mapawi. Ingiti mo lang yan, problema lang yan.

-Janz  :)